3 mountains in 2 days
Renante MinaMonday, August 13, 2012 26 comments



3 Mountains in 2 days with new Hiking buddy

Mt. Manabu


Jump-off point: Sulok, Brgy. Sta Cruz, Sto. Tomas
LLA: 13.9777°, 121.2413°, 760 MASL
Days required / Hours to summit: 1 day / 1-2 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 2/9, Trail class 1-2
  


     We scheduled our climb with my new hiking buddy Jose Barcena last July 28 and 29, 2012 we planned to do twinhike Mt. Manabu and Mt. Maculot. Si Jose Bracena hindi ko siya personal na kilala nag-usap lang kami sa text at iniimbitahan para umakyat twinhike daw para sulit yung gastos at pagod kaya pumayag na ako sayang naman pagkakataon kasi kating-kati narin paa ko para umakyat. Sa araw ng akyat July 28, 2012 nagkita kami sa istasyon ng Bus Jam Liner sa may Kamuning malapit sa may GMA Kamuning mga bandang 0430H. Habang nasa biyahe kami nagkuwentuhan kami para makilala namin ang bawat isa, ilan sa mga katanungan ko kung ilan na ba bundok na akyat niya, kung may asawa na siya, nag aaral pa ba siya. May asawa na siya may isang anak mag-iisang taong gulang, nag-aaral sa RTU engineering 4th year student, Nakuwento din niya ang mga karanasan niya sa bundok noong isinama niya ang kanyang kapatid na bunso na 8 taon gulang sa Mt. Makiling at naisipan nilang mag overnight at wala silang tent na gamit, may isang grupo ng mountaineer doon nagsabi sakanila kinabukasan sa kanyang kapatid boy nakatulog ka ba? para sa kanya parang ininsulto sila kasi sabi niya sa akin kahit ito manlang kapatid ko sinilong nila sa tent nila okey na sa akin kahit offer manlang na yayain kami para sumilong para yun man kapatid ko na bunso makasilong okey na, dahil sa lamig at mga limatik kaya sabi niya wala sa veterans ang pag akyat nasa ugali yan. Para sa akin sa kanyang opinyon may tama siya at ang kanya din mali bilang Kuya bakit natulog doon wala sila masisilungan at dapat inalala niya ang kanilang kapakanan doon baka biglang umulan. Para sa inyo ano magiging reaksyon niyo sa ginawa ng grupo ng mountaineer na may mga gamit.?

     Noong nasa Laguna na kami may sumakay na mga mountaineers at nag approach kami tinanong namin kung saan akyat nila Mt. Maculot dayhike, nabanggit din namin na twinhike kami, tapos yung kausap namin na mountaineer nag suggest din siya na daanan namin daw ang Mt. Malepunyo after namin sa Mt. Manabu kaya nagka idea kami na imbes na twinhike gawin na namin tatlong bundok nalang. 0800H nakarating kami sa major jump-off Sulok, Brgy. Sta Cruz, Sto. Tomas. na meet namin si ate Caring police tanod at tagapamahala sa pagrehistro ng mga mountaineer sa Mt. Manabu. Ang trail ng Mt. Manabu ay medyo madali may mga signboard doon nag magtuturo ng tamang daan. Main hightlight ng trail dadaanan ang bahay ni Mang Pirying. Si Mang Pirying at ang Kapatid niya nagtitinda ng Alamid Coffee isa sa mga pinaka mahal na kape sa mundo at binebenta lamang nila ng 100 pesos isang pack. 1000H nakarakating kami sa summit take a lunch and take some picture, 1130H we descent at the summit when we are at the registration area we asked some locals how to go there in Mt. Malepunyo even the locals hindi rin sila sigurado paano pagpunta doon nag advice sila na may mga trap daw doon para sa mga wild pig at kailangan daw ng guide but we don't have enough budget for the guide sabi ng isang local doon nalang Suso ng dalaga magkatabi lang at mas madali ang pag akyat doon so we decided na doon nalang para sulit ang climb namin at doon narin mag set up ng tent.












Suso ng Dalaga
Entry point: Barangay Talisay, Lipa

     After we climb the Mt. Manabu we decided to climb Suso ng Dalaga we ride a tricycle going to Barangay Talisay, Lipa 20.00 per head, when we are there at the Barangay Talisay the Barangay Hall are closed buti nalang taga doon dati yung nasakyan namin na tricycle driver at pumunta kami sa mismong opisyal ng barangay at magpapa alam na aakyat ng Bundok.

     The first thing we do before we climb the second mountain we refill our bottle in case hindi magsapat ang supply namin na tubig. We have no any idea about the mountain. Noong nasa paanan na kami ng bundok hindi namin makita ang trail saan magsisimula tagong tago kaya nagtanong tanong kami sa mga locals nakatira doon kung saan ang paakyat ng Suso ng Dalaga napaka liblib na lugar natatakpan ng mga damo at puno ang daanan. at nang magsisimula na kami umakyat may nadaanan kami na bahay at aksidenteng hindi nakita ng kasama ko ang naka usling alambre at nasugat ang kanyang tenga kinababahan ako baka puwede siyang ma tetano sa tinamo niyang sugat buti nalang may dala kaming medicine kit at pinang linis sa kanyang sugat. Nagdadalawang isip na ako kung itutuloy pa ba namin pero sabi niya kaya niya kaya pinagpatuloy namin, nag handa kami ng ribbon upang may palatandaan kami sa aming dinaanan pabalik. Ang trail ay may challanges din madulas dahil maulan at Steep paakyat may mga madadaanan na bato na malalaki na aakyatin at ang mga kawayan naka harang. 1730H ng makarating na kami sa summit sa sobrang pagod halos mahiga na ako. 2200H simulang umulan at lumakas ang hangin pinasok ng tubig aming tent wala kaming nagawa kundi umupo at hintayin hanggang umaga. Pangalawang araw 0500H simula na kaming maghanda upang magligpit ng gamit upang bumaba at aakyat ulit sa ibang bundok ang Mt. Maculot huling bundok na aakyatin sa araw na iyon.









Mt. Maculot Rockies

Major Jumpoff: Mountaineer's Store, Brgy. 7 "Siete", Cuenca
LLA: 13°55 N; 121°2 E; 706 MASL (Rockies) / 930 MASL (summit)
Days required / Hours to Rockies / summit : 1 day / 1-2 hr / 2-4 hr


     Second time around this mountain is my first mountain that I climb, wala parin pinagbago medyo madumi may mga basura na naka kalat sa may trail at sa mga station sa bawat pahingaan sana Leave no Trace ika nga panatilihin ang kalinisan sa bundok kawawa naman ang mga grupo na tulad namin namumulot ng basura sa bundok. Buti nalang noong unang akyat ko dito na silayan ko ang magandang view sa Rockies Peak ang Taal Lake at ang Taal Volcano. Sa campsite nakita namin si Sky Biscocho ang legendary sa mountaineering sa Pilipinas sayang nga lang di namin nakasama sa picture kasama niya ang mga trainee niya sa pag akyat. Nakilala din namin mga grupo ng  mountaineer na sina Sir Cliff at sir Peng nagkaroon din kwentuhan tungkol sa mga karanasan sa mga akyat. Itong araw na ito ay bumabagyo at pinilit parin namin umakyat wala din view at madulas din ang trail kaya sa mga aakyat hanggat maari huwag na kayo tumuloy kung masungit ang panahon para narin sa kaligtasan ninyo dahil ang bundok ay andiyan lang naman yan na puwedeng balikan. Pagkatapos ng akyat namin grabeng pagod at gutom aking nararamdaman, ang aking mga paa ay nanginginig na sa sobrang pagod at sobrang lamig. Sa totoo lang wala akong paghahanda noong ako ay umakyat buti nalamang at malakas ang aking loob para hindi mag give up.






3peaks (MT. Manabu, Suso ng Dalaga, MT. Maculot)

Day 1

Manabu Peak 
0500H ETD Jam liner (GMA Kamuning) to lipa "fiesta mall", Student=103, Regular fare=128.50
0730H ETA Lipa "fiesta mall" trike to "sulok" brgy.sta cruz (jump off point) 50/head
0800H ETA Sulok; Register 20/head; Start trek
0930H Kubo ni mang perying
1000H SUMMIT at MANABU; take lunch
1130H Start descent to JOP
1300H Registration Area; take a rest

Suso ng Dalaga

1400H ETD sulok ride a trike to sitio talisay
1430H ETA sitio talisay, walk to JOP
1515H JOP (susong dalaga) , take a rest
1545H Start trek
1730H SUMMIT of SUSONG DALAGA; Set-up camp; Dinner

Day 2

0500H Wake up call
0600H Start descent to JOP
0730H Walk to sitio talisay
0800H Sitio Talisay; break fast; ride a trike to fiesta mall (20/head)

Mt. Maculot

0830H Fiesta mall; ride a jeep (ROBINSON BOUND) to Lipa Bus Stop (8/head)
0845H ETA lipa bus stop; ride a jeep (LEMERY BOUND) to cuenca (24/head)
0930H ETA cuenca; ride a trike to Jump off (20/head) register (10/head)
1000H Start trek
1130H Campsite, take lunch
1230H Rockies MACULOT
1400H start descent to Jump off
1515H Head back to manila
            Cuenca bus stop = 20
            Cuenca to lipa bus stop= 24
            Lipa Bus Stop to Cubao= 132"

26 comments:

Pink Line said...

tatlong beses ko ng naakyat ang Mt. Maculot pero hanggang groto lang ako hindi pa ko nakarating ng rockies hehe...

Manong Unyol said...

sayang naman po ma'am mas maganda po view dun tsaka try nyo narin po yung traverse para sulit...

Joanne ;p said...

Hello manong! Huwaw, isa sa bucket list ko ang climbing, kaya lang tamad-tamaran ako, haha.. Pasaway, wag daw aakyat pag masama panahon para sa kaligtasan e kayo tumuloy pa rin, haha..

Pink Line said...

ay afraid ako eh..pero nung college ako muntik akong sumali sa mountain climbing club chuva ng university hindi ako pinayagan ng parents ko haha! ay hindi ko alam yung traverse hehe anu ba yun?

Manong Unyol said...

Payo ko lang yun ma'am base on experience hehehe.. pero try nyo din ma'am mararanasan mo yung takot, saya, pagkamangha..

Manong Unyol said...

let me google that for you:) http://lmgtfy.com/?q=traverse+mean+in+mountaineering..

Pink Line said...

ah ganun pala ang traverse..now i know hehe..thanks :)

blissfulguro said...

ang bangis! eto ang mga hindi ko kayang trip. ang mamundok. at tatlo pa! whew! :)

Manong Unyol said...

maganda po ang umakyat ng bundok ma'am pero dapat may kasama lang kayo na guide or talagang umaakyat na.. wag niyo po gayahin ginawa namin 3 mountains na sunod sunod na pangit ang panahon madulas ang trail at baka magka landslide..

Joanne ;p said...

Wag mo kong tawaging maam, joanne pangalan ko, haha.. Ayoko nga i-try.. Manong, asan yun follow button mo? :)

Manong Unyol said...

pasensiya na joanne kc ganyan tawagan nmin sa bundok e hehehe at opis kaya nasanay na:) exchange links nalang isinama na kita sa bloglist ko..

Joanne ;p said...

labag ba sa paniniwala mo ang pag-follow?ipaliwanag. Charot. Okay na. Added na kita, buti nga pinaalala mo, haha.. Maam pa din tawag mo saken sa chat box ko, sasaktan kita e!joke! :)

pretty hash said...

hello manong.. isa ito sa mga gusto kong gawin kaso walang time... minsan narin ako niyaya ni pinkline na gawin to eh... i hope magkaroon na kami ng time na mka-akyat ng bundok...

ung bestfriend nga ng asawa ko niyaya kami na sumama sa kanila eh, kaso wala kami mga gamit... but i'll make it sure makakaakyat din ako ng bundok kahit anong mangyari...

Manong Unyol said...

try niyo po umakyat ang sarap ng feeling kapag nsa summit ka na.. kunting ingat lang po, sa ngayon wala pa kayo experience magpasama muna kayo sa mga may idea sa bundok na aakyatin para narin sa safety nyo.

G at gfootsteps.com said...

wow bilib! ako nauudlot mag hike.. kase takotmuch hahhaha :)

Manong Unyol said...

try niyo po sumama sa mga invitational climb para may guide sa inyo,

Jessica said...

hello, kainggit naman po yan... gusto ko o din try ganyan....

PS: pwede po tayo exchange link
thanks.. SALAMAT MUCH!

http://uberjessicalopez.blogspot.com

Manong Unyol said...

ok i will add you on my bloglist

WANDER SHUGAH said...

howw i wish i have hike buddies! I really wanted to summit every mountain here in our place :/ ang malas ko lng d ma adventure mga friends ko.. ;[



WANDER SHUGAH

Manong Unyol said...

tip ko lang ma'am research ka muna yung mga mountain na madali lang akyatin at medyo safe then hanap ka ng pwede kayo makipag join kahit small group na umaakyat na para ma guide kau at mabigyan din kayo ng mga ideas, check this site www.pinoymountaineer.com madami po kayo matutunan jan... happy climb:)

lakwatserong tatay said...

wow...astig..ang plano ko lang para sa mga hiking buddies ko eh, maculot - manabu..sa yo mas malupit...hehehehe..
btw.. hope we could exchange blogrolls list...and hope minsan mainvite mo ko together with some of the blogger hikers....kahit dayhike lang...^_^

Manong Unyol said...

SIR SALAMAT BINABASA KO DIN MGA POST MO.. CGE SIR INVITE KITA SA MGA CLIMB :)

Camel said...

Last time ang ginawa naman namin maculot, manabu, batulao.
Mukhang mas okay ang 3peaks mo ah, magkakalapit. =)
Salamat sa info, soon matry din yan.

Manong Unyol said...

4peaks po sana yan ma'am kulang ang budget para sa Mt. Malipunyo may guide kc na kailangan

jose barcena said...

hehe ..pd kya ntin i 4peaks un hehe ..kso nsugatan tenga q ee nu !? syang hehe

Manong Unyol said...

ah oo nga sir kaya sana yun sir hehehe