ISA AKONG TAGAHANGA

     Sa bawat silip ko sa aking blog tila ako ay may hinahanap click ng click at scroll ng scroll minimize okaya naman maximize tila ba hindi makapakali para bang hindi ako kontento sa itsura ng template ng aking blog, tumitingin kung may comment ba, pati pageviews napapansin din kung nagbabago ba, Sa larangan na ito ako ay isa lamang akong baguhan, hindi ko rin alam kung magtatagal ba ito o baka naman sa umpisa lamang kumbaga sunod lang sa uso para hindi masabing mapag-iwanan ng panahon at naranasan din, sana naman maging mag dot.com muna.

      Bakit nga ba ako nag bloblog hindi naman ako ganun kagaling magsulat at hindi rin isang photographer at wala din mamahaling camera para masabing gawin ko nalang photoblog para wala ng masyadong sinusulat sa imahe palang ng bawat litrato ay para bang nagkuwekwento na.

     Sa totoo nga lang hindi ko nga alam anong tamang format sa pagsulat sa pagbuo ng mga talata, okaya naman sa spelling minsan nakakalimutan ko pa dahil sa palagian pagtetext ng shortcut yun tuloy buti nalang andiyan si GOOGLE na laging puwedeng tumulong at may meaning pa na ibibigay, Pangarap ko talaga din maging blogger traveller isa sa mga bucketlist ko ito kaso nga lang wala naman ako pang-tustos sa mga pang travel abroad hindi naman sapat kinikita ko sa pagtratrabaho pero ok lang nabaling naman atensyon ko sa larangan ng mountaineering kaya masaya narin ako kasi marami akong nakikilala sa bawat akyat at ibat-ibang grupo nakakasama at nakakasalamuha ko.
 
      Isa lamang ako isa sa mga tagahanga at tagabasa ng kanilang mga artikulo:

Gideon Lasco ng Pinoymountaineer - Dito ako kumuha ng mga idea ng bundok kung ano gusto ko  akayatin dito rin ako na inspired bakit gusto ko nagustuhan umakyat ng bundok, napaka informative ang kanyak site laking tulong sa mga ibang mountaineer at pati narin sa mga magsisimula pa lamang.

Ivan Cultura ng Batang Lakwatsero - Ito yung una kung nabasa na blog noong gusto ko na magsimula magblog nabasa ko mga ilang artikulo niya sa tungkol sa kabundukan siya din ay nagsisimula palang din noon kaya lalo ako na inspired na gumawa ng sariling akin para ma document ko din ang aking mga adventures.

Mervin ng Pinoy Adventurista - Dito ako sobrang na inggit ng makita ko ang mga travel niya na napakadami dami sa Pilipnas lamang siya lumilibot masasabi mo na bakit ka pa lalabas ng bansa madami naman pala dito tagong yaman na puwedeng puntahan at para makatulong narin sa ating kababayan para sa kanilang hanap-buhay.

     Mga gusto ni Manong Unyol makasama sa kanyang mga lakad tulad ng pag akyat ng bundok, pagpunta ng beach sa isang paraiso, pag explore sa loob ng cave, pag snorkeling sa napakalinaw na dagat at napapalibutan ng corals at makukulay na isda, maligo sa napakalamig na falls, makipag chikahan sa tungkol sa mga buhay-buhay at lovelife, at maturuan paano ba maging isang maging makata.

  • Sana makasama ako at maimbitahan ako ni sir Gideon Lasco ng Pinoymountaineer isa sa kanyang mga akyat kahit twindayhike lang ok na, sana makasama din ako sa mga traverse ni The Quixotic World kalimitan ay dayhike, sana magkaraoon narin ng open climb si Batang lakwatsero at ako ay kanyang maimbitahan kahit minsan lang. Misadventures of Tintin idol ko mga climb mo kung saan ka na napapadpad kahit na ikaw isang babae balang araw maiimbitahan din kita sa mga climb ko. Muntik ko rin nakalimutan si Lagataw at Tramping Philippines na aking sinusubaybayan magkaroon narin kayo ng open climb at maka-usap manlang kayo ng personal at maikwento niyo rin ang mga hirap at sarap nadanas niyo sa pag akyat ng mga bundok. Salamat nga pala sa grupo ng The Backpackers na nag-imbita sa akin at na aking nakasama noong umakyat sa Mt. Sembrano at natunghayan ko din ang isang selebrasyon ng isa nilang kaibigan, kagrupo, kapamilya na idinaos nila ang kanyang kaarawan sa araw na iyon, ganun na lamang pagpapahalga nila sa bawat isa at nakilala ko lang din ang kanilang grupo sa pamamagitan ng blog.
  • The Chronicles of Love Mindanao sana kung mapadpad man ako diyan ako sa lugar niyo sana mapuntahan natin ang mga magagandang destinasyon na iyong napuntahan diyan sa Mindanao.
  • kung sa beach na paraiso ang pag uusapan hindi ko talaga makakalimutan si Blissfulguro masasabi ko lang WOW ang ganda ng mga beach na kanyang mga napuntahan lalo na sa Palawan.
  • Yellow Adventures napamangha mo talaga ako sa mga photoshots mo ang galing may kwento sa bawat litrato tara photowalk tayo gamit ko lang point and shoot camera ko wala kasi akong SLR hehe 
  • Ito na ata di ko malilimutan sa lahat si The Pinkline at Joanne's Blog ang mag twin sis na blogger laging ang bilis nilang magpost at trending din ang kanilang bawat post minsan sana makasama ako sa mga EB niyo at makipag chikahan din ako minsan tsismoso din ako minsan hehe.
  • Genskie grabe ang lalalim ano ba tawag doon sa Written Voices mo sa totoo lang may mga hindi ako makarelate siguro nga pang matatalino lang iyon pero gusto ko matoto ng ganyan.
  •  Lakwatsera de Primera at Pinay Travel Junkie ito ang inaabangan ko na blog regarding mga travel nila sa abroad, Lakwatsera de Primera nag message pa nga ako isa ako sa mga taga subaybay niya sinabi ko na ilalagay ko sa bloglist ko ang kanyang site at yun pumayag naman siya siguro natuwa siya  siguro hehe:).
     Ito na ata naging libangan ko sa pag-uwi galing sa opisina magview at magbasa ng blog ng iba pero hindi ko naisip magcopy and paste kumbaga tumitingin lang mga magandang destinasyon okaya naman kumukuha ng mga tips sa mga naging karanasan nila. Halos ata nagugustuhan ko na blog nag-iiwan ako ng mga mensahe upang iparating ko sakanila na ako ay interesado at nagustuhan ko ang kanilang artikulo.







  








38 comments:

SunnyToast said...

Then only reason why I blog its because when I get gray i have something to look back on my carefree days:)

joanne said...

Nag-blog lang naman ako para may diary ako ng buhay ko, hehe..

E kelan ka ba pwede? Kami naman ni twin sister ay laging ready, haha..

juneosidabenitez said...

nu ka ba. blogging is not about perfect grammar and all..ako nga e..hahaha..basta makapag sulat. i really just want to travel and write about it.. :) More stories to come to you.

Manong Unyol said...

anytime wag lang bumangga sa mga lakad ko :)

Manong Unyol said...

sabagay, what if someone read your post and criticize your work? hahaha but for me I don't care sometimes I accept criticism...

Bound for Two said...

kami ay napangiti, dumaan din kami sa yugtong ito Mang Unyol, ito'y malalampasan mo rin at hindi mo namamalayan naka sampung libong pageviews kana or mahigit pa. Patuloy lamang sa pagbloblog, kasi ang maganda sa blog walang pumupuna, kasi sarili mo itong opinyon pwede mo silang sabihang "WALANG BASAGAN NG TRIP". hahaha.

Manong Unyol said...

salamat sir sa pagbisita at pag iwan ng isang magandang komento :)

IndieEscape said...

Salamat sa pagdaan sa blog ko. Sayang at di ako nakaabot sa listahan mo (feeling). Kitakits sa bundok. Lakwacha lang ng lakwacha, sulat lang ng sulat. Magugulat ka na lang biglang andami mo ng followers at kelangan mo na silang ipunin sa isang 'fan page' o-ha! :D

Pink Line said...

ganyan din ako dati aligaga..pero later on i realized, the hell i care basta magboblog ako walang pakialamanan kung anu man i-blog ko besides blog ko to eh..at hindi naman lahat ng nagboblog magaling magsulat like me wala naman talaga akong ka-talent talent sa pagsusulat kung anu lang yung napi-feel ko yun ang tinitipa ko..parang online journal ko na lang din naman ang blog ko...

basta magmeet ang sked naten gow! :)

Manong Unyol said...

hahaha pasenxa na po ma'am hindi ko na maremember iba ginawa ko lang to habang wala ginagawa sa opis kaya kung ano nalang pinagsasabi ko pampalipas oras para hindi mabagot kaya sinulat ko... add nalang po kita sa bloglist ko :)

Manong Unyol said...

sige po ma'am hahaha wow hectic ang sked :) anytime nman ako wag lang weekdays hehehe

Batang Lakwatsero said...

wow, nakakatuwa naman to. pramis, mag-oorganize ako ng hike para sayo :))

Pinoy Adventurista said...

Wow naman...ag-blush naman ako nung mabasa ko 'to... sure! see you on the road Thrasher Mina! sked natin yan! :) thanks a lot sa pagbabasa ng blog ko... cheers!!! :)

Dane | Tramping Philippines said...

mag oorganize sa ivan ng hike kasma lahat ng sinabi mo .haha

Batang Lakwatsero said...

gusto ko din sana imbitahan si doc gideon at sir adonis.. kaya lang nahiya ako bigla.. hehe

Manong Unyol said...

salamat sir ivan sa pag oorganize ng hike isang karangalan na makasama ko kayong lahat sa aking adventures :)

Manong Unyol said...

salamat sir Mervin maraming salamat din at nabasa nyo ito :) sana matuloy ang ini organize na hike ni sir Ivan at pagkakataon rin ma meet ibang tulad niyo Adventurista..

Manong Unyol said...

hahaha salamat sir Dane at sana matuloy,.. astig ng mga Video editing nyo po..

joanne said...

hindi ka pala pwede ng weekdays e, may pasok ako ng weekends! haha, gagawan naten ng paraan yan, busy busyhan pa lang ako for now, wait ka lang, biglaan ako magyaya, haha..

Nortehanon said...

Naks, may blog idols talaga :) Go lang nang go, blog lang ng blog. At the end of the day, basta masaya ka sa ginagawa mo, yun lang ang maharaja.

Dane | Tramping Philippines said...

Actually astig ung mga video dahil maganda talaga ung lugar. haha swerte lang na me camera kaming dala. haha nax showbiz answer. hehe

Manong Unyol said...

hahaha opo.. salamat sa maganda nyu po na payo :)

Genskie said...

Napangiti naman ako sa sinulat mo... Ang sagot ko sa comment mo sa blog ko ay uu naman.. sure we can be friends... Nalalaliman ka pala sakin.. feeling ko nga ang babaw ko kasi kung anu ano lang pinag sasasabi ko...
Bakit written voices? Kasi hindi masabi ng bibig ko eh... kaya sinusulat kona lang... sabi nila hindi lang ang bibig ang may boses... kundi pa ti ang panulat din :)
Maraming salamat ha isa mo din akong tagahanga aba... hindi biru biro ang ginagawa mong pag akyat :)

Dee Quixotic said...

Nakakatuwa naman at may bumabanggit sa aking blogblogan... ako'y isang tagahanga lang din nuon nila ate Jovial Wanderer, Akyatera Bundokera, Lagataw and Dong Ho. I blog to tell a story, give little information, share my stupidity, dream the most epic daydreams and turn my adventurous ambitions into reality. Lakad na!

abeng said...

tagahanga din ako ng mga blogger na yan specially pinay travel junkie :) .. sa susunod boss may tagahanga ka na din .
)

Manong Unyol said...

ano sir lalarga ba tau sa ini organize sir Ivan ng Batang Lakwatsero Mt. Romelo daw Sept 30 daw sana matuloy :)

xoxo_grah said...

salamat sa pag daan sa blog ko...keep it up...i blog coz i'm creating my own online diary....yun lang...no pressure...at pawala ng stress...nakakatuwa kasi tingnan yung blog page...reminiscing time and space...:)


xx,
www.chickturistanextdoor.blogspot.com

Dee Quixotic said...

reminiscing time and space - exactly!

Dee Quixotic said...

let's see. I'm always free during sundays.

Manong Unyol said...

yan sir sana nga makasama ka at matuloy yung ini organize ni sir Ivan

Albert the Backpacker said...

Manong Unyol, di ka lang karaniwan tahahanga, kundi isa kang taong kahanga hanga, saludo ako sayo!, dahil tapat ka sa puso mo at sa mga ginagawa mo..Hindi ko rin alam bakit ako nag susulat, siguro rin dahil sa mga taong nabangit mo, naging tagahanga rin ako, silently di ko alam na unti unti na palang sumusunod na ako sa kanilang mga ginagawa, yung legacy, conviction nila to promote Philippines saka yung mga bundok, naging challenge lahat sakin yon.Ipag patuloy mo lang lahat yan, at walang masasayang sa mga ginagawa mo.

Manong Unyol said...

THANKS SIR ALBERT.. GOODLUCK SA MGA ADVENTURES AND TRAVELS PA NATIN DARATING...

Manong Unyol said...

thanks po dati ko na rin nababasa mga post mo noon, nakakuha po ako ng idea sa talamitam climb nyu..

lakwatserong tatay said...

wow..ganito rin ako nagstart, nakikibasa lang tapos saka lang my nagsuggest sakin ilagay mo narin kasi napakasalakwatsero mo naman...kahit tatay kana...tapos nabansagan ako sa work ko na lakwatserong tatay...ayan...nagtuloy tuloy nah...ako man din kung wala si Mervs, Chyng at Dom, siguro wala si Brian | lakwatserong tatay....salamat ako rin ay isang naging tagahanga....at ngayon ako'y isa narin iyong tagahanga^_^

Manong Unyol said...

salamat sa iyong napakagandang komento sir isa din karangalan at nagkaroon kayo ng oras at nabasa niyo itong post ko na ito... masayang maglakwatsa habang may nag aantay kung ano ang maipapamahabi mo sa kanila mga naging karansan sa paglalakbay.. :)

Sonyboy Fugaban said...

Lahat tayo ay tagahanga. Ang pagiging tagahanga ay isang mabuting paraan para mahasa ang ating mga talento sa larangan ng pagsusulat. Ako ay isa sa bilyo-bilyong bloggers na nagpapatuloy hasain ang meron ako sa larangan na ito.

Mabuhay tayong mga tagahanga!

Manong Unyol said...

salamat sir at napansin mo itong munti kung blog :)...

blissfulguro said...

It's the first time I saw this. Salamat naman Manong sa suporta! :)