Mt. Romelo
Renante MinaSaturday, October 6, 2012 41 comments




PAANO NAGSIMULA ANG LAHAT

Ito ang isang maikling kuwento kung paano nakilala ng personal ni Manong Unyol na sina Ivan ng Batang Lakwatsero at Tin ng Misadventures of Tintin.

     Isang araw noong bagot at walang ginagawa si Manong Unyol habang humihigop ng mainip na kape sa kanilang opisina, ang daming naglalaro  sa kanyang isip kung ano ba ang magandang pagkakaabalahan habang walang ginagawa sa araw na iyon at bigla siyang napasilip sa kanyang blog, nag iisip siya kung ano pa ang magandang baguhin at idagdag sa kanyang blog pero napansin niya na wala pa siya naisulat sa buwan ng Setyembre at bigla niyang nilatag ang kanyang mga kamay sa keyboard ng kompyuter at nagsimula nang mag isip ang kanyang makukulit na imahinasyon, pinamagatan niya itong ISA AKONG TAGAHANGA ang artikulo na ito ay tinukoy niya ang kanyang mga idolo sa larangan ng pagblog at gusto niyang makasama sa kanyang mga adventures, dahil isa rin siyang tagasubaybay at nagbabasa ng kanilang mga artikulo. at sa hindi inaasahan at hindi niya akalain namapapansin ang artikulo ni Manong Unyol at nabasa ng mga idolo niya na blogger dahil sa kanila naging inspirasyon niya ang kanyang mga idolo at ilan sa mga nabanggit niya ay nag-iwan ng mga magagandang komento na kanyang ikinatuwa. Si sir Ivan ay nag-iwan din ng komento at nagpromize siya na mag oorganize siya ng akyat para kay Manong Unyol at si Manong Unyol ay tuwang-tuwa pero hindi lubos na umaasa kasi alam naman niya na laging may lakad ang idolo niya.

     Ilang araw nakalipas nakatanggap ng imbitasyon sa pamamagitan ng facebook si Manong Unyol na ini-organize ni sir Ivan ng Batang Lakwatsero laking tuwa niya ng maimbitahan siya, dahil isa rin si Manong Unyol sa mga tagahanga at taga subaybay ng mga artikulo niya sa pag akyat ng mga bundok. Dahil ni minsan di pa naususbukan ni Manong Unyol ang magsolo climb at magdayhike major climb traverse at doon siya lubos siyang napahanga. dahil ang pag akyat ng bundok ay di naman biro-biro kaakibat na ang disgrasya okaya naman pagkaligaw sa bundok. Noong nakumpirma na tuloy na tuloy na ang plano sa pag akyat hindi na siya nag atubiling imbitahan din si ma'am Tin author ng Misadventures of Tintin isa din siyang manlalakbay at umaakyat ng mga bundok, kalimitan ng mga akyat niya ay sa labas ng Luzon na iinggit din si Manong Unyol dahilan sa puro southern tagalog palamang ang mga naakyat niyang mga bundok. At nang nag-iwan ng mensahe si Manong Unyol kay ma'am Tin upang imbitahan para umakyat ang sagot niya ay malabo siyang makasama kadahilanan siya ay busy okaya'y naman nag aalangan sumama, Sa oras na iyon hindi na umaasa na sasama sa imbitasyon ni Manong Unyol, ilang linggo nalang at magaganap na ang pag-akyat sa Mt. Romelo biglang may nagtext sa kanya na kung okey lang ba daw kasama ang mga kaibigan niya na si ma'am Tin at medyo madami sila at siya'y nabigla bilang naimbitahan lang din si Manong Unyol ay humingi ngpahintulot at nagpaalam sa mismong nag-organize kung okey lang ba sumama ang kanyang mga kaibigan at ito'y pumayag naman. "hay sa wakas"

ARAW NG AKYAT
     Ito ang pinakahihintay ng lahat ang araw ng akyat sa araw ng linggo Setyembre 30, 2012 pagtatapos ng buwan. napagkasunduan na sa Raymond Transportaion malapit sa Legarda LRT station magkita kita at ang grupo naman ni ma'am Tin ay sa Robinson Galeria nalang susunduin dahil doon din dadaan ang bus. Habang nag-aantay sa pag-alis ng bus may napansin si Manong Unyol tila may kinukutinting ang isang mekaniko sa may parte ng gulong at biglang kinabahan at bumilis ang tibok ng kanyang puso at nadarama pag-aalinlangan, O baka naman epekto lamang ng walang tulog kadahilan sa pagpupuyat paglalaro ng DOTA na nakaka adik na halos di na namalayan ang oras at umabot ng madaling araw. 30minuto lamang ang kanyang tulog kung tutuusin idlip na lamang, at nang mag-alarm ang cellphone niya nagmadali na siyang nagbihis dahil malayo layo pa ang kanyang biyahe niya papunta ng terminal ng bus hindi niya akalain na baliktad pala ang pagkasuot niya ng damit dahil sa pagmamadali at ito'y nakakahiya napansin pa ng kanyang kasama.

 Bus Terminal sa Legarda LRT station

6:25AM na umalis ang bus medyo late na sa planong maagang pag-alis sa Maynila halos tatlong oras din ang biyahe. At sa hindi inaasahan yung mga kaibigan ni ma'am Tin ay nakasama na pala ni sir Ivan sa isa nilang akyat sa Makiling Traverse napakaliit talaga ang mundo ng mountaineering.

 Zigzag na kalsada na papunta sa Siniloan Laguna


9:45AM na simula na umakyat medyo tinanghali na, buti na lamang meron silang grupo nakasama na grupo na estudyante na taga MAPUA Manila at nakisama rin ang magandang panahon, at napansin din ng grupo na medyo may kataasan na ang bayad sa Registration fee na dati ay 20.00 lang daw at ngayon ay 50.00 na. Ang trail ng Mt. Romelo sila ay pinahirapan dahil sa mula sa simula hanggang sa falls ay sobrang putik na akala mo ay parang naglalakad ka sa kabukiran, dahilan sa gawa ng mga nagdadaang kabayo at isa pa ang limatik sa trail na dapat din iwasan. Habang naglalakad sa napaka putik na trail ay pagkakataon narin ni Manong Unyol upang tanungin sa personal si sir Ivan tungkol sa kanyang mga kabundukan na kanyang naakyat. Ayon sa kanya ay magdidiriwang siya ng kanyang isang taon na anibersaryo sa pag akyat ng bundok at ang kanyang bundok babalikan ay ang Mt. Daguldol dahil ito ang kauna-unahang bundok na kanyang naakyat.



Daan bago sa registration area


Registration area

Tumawid sa ilog 

Maputik na trail

 Mas maganda magsapatos kaysa magyapak para hindi madulas at masugatan


Grupo ni ma'am Tin

 Makitid na trail

Manong Unyol at Batang Lakwatsero
Pahingaan 

 Sir Jorge



 Mga paalala na nakasulat

     Sa mismong trail ay may madadaanan ng mga nagtitinda ng buko juice,ice candy at mountain dew na pantanggal ng uhaw, mapapansin din ang mga signboard na nagpapaalala tungkol  sa pangangalaga sa kalikasan, at nang marating na nila ang kilalang falls na tinatawag nilang Buruwisan falls lahat ay namangha dahil sa napakataas at napakalakas na bagsak ng  tubig. Kasu nga lang may kunting dismaya nadarama si Manong Unyol dahil sa nagkalat ng mga plastik at bote ng softdrinks sa gilid ng falls, baka hindi namamalayan unti-unti narin palang nasisira dahil sa mga irresponsableng mga tourista at lokal na pumupunta doon.

 Matarik na trail papunta sa Buruwisan Falls



 Manong Unyol sa Buruwisan Falls






     Doon narin sila kumain ng kanilang tanghalian at nagkaroon ng mga kwentuhan tulad ni sir Jorge na naikwento rin niya mga karanasan niya sa bundok at madami narin siyang naakyat at  mga karanasan niya sa pag akyat. Habang naghahanda na ang lahat pagkatapos kumain napagdesisyonan ng grupo na pupunta ulit sa isang falls na tinatawag namang Batya-Batya mga 15-20minuto ang layo sa Buruwisan falls, kasamaang palad si Manong Unyol ay hindi marunong lumangoy kasi kailangan tatawid ng ilog upang makapunta doon, hindi man lang niya nasilayan ang tagong kagandahan ng Batya-Batya dahil sa mga kuwento ng mga kasama niya ay siya ay inggit na inggit para bang gusto niyang bumalik. Marami pang falls na nakapaligid doon pero hindi na sapat ang oras nila para libutin lahat. Halos isa't kalahati na lamang ang oras ng pababa dahil sa hindi na masyado nagpahinga at naghahabol narin ng oras baka abutan na sila ng dilim sa daan.


Mga Katanungan
     Nagbigay si Manong Unyol ng mga katanungan na kanilang sinagot, di na nga lang naibigay sa kanila na personal upang sulatan nila sa pamamagitan ng sulat kamay, pero ipinadala nalang sa pamamagitan ng internet. Ito ang naging kanilang katanungan at kanilang sagot.


iclick ang link at bisitahin ang kanilang website.









Ilan sa mga tanong ay galing kina The Pink Line, Mina and Anne BackPackers


41 comments:

Genskie said...

another successful climb Manong :) keep it up!

Albert the Backpacker said...

Sayang dapat kasama ako dyan, dahil sa simpleng dahilan di ako natuloy...
Anyway congratulation Manong Unyol for another mountain you conquered.

Manong Unyol said...

thanks ma'am another wonderful climb experience hehehe, nakasama ko pa mga travel blogger

Manong Unyol said...

Thanks sir albert sayang ang ganda dun sir kasu yung trail ang nakaka inis dahil sa putik. pwede balikan pa yun madami pang falls :)

Arnie Monacillo said...

This is a nice story Manong Unyol aka Trasher Mina. :) Indeed, its a small world after all. Kung sana talagang engage sa same activity ay pinagsasama sama. Hope next time makasama ako.

Manong Unyol said...

salaamt sir Arnie tama sir small world talga hehehe

The BACKPACKERS said...

I enjoyed reading this entry Sir Mina! Mahusay na paglalahad ng kwento. Magaling. Nakakainggit na lakwatsa... :)

~ BP Heinz (www.thebackpackersadventures.blogspot.com)

Manong Unyol said...

salamat sa pagbabasa sir:)

lakwatserongopisworker said...

ang ganda ng waterfalls at kung paano kuhaan ng picture. :)

at salamat pala sa pagbisita at pag comment dun sa blog ko.

-June- (lakwatserongopisworker.blogspot.com)

anney said...

Ang tarik ng trail! pero sulit ang pagod! Ang ganda sa falls!

Pink Line said...

aaaaw sayang naman.. dapat talaga magswimming lesson na tayo..

Manong Unyol said...

salamat din po sa pagbisita :)

Manong Unyol said...

mas maganda pa daw yung isang falls yung batya batya sayang nga lang d ko nakita hehehe

Manong Unyol said...

ako lang ata d marunong lumangoy kapatid ko marunong din sila hehehe

Micamyx|Senyorita said...

Unang sabak ko rito sa inyong blog, Manong. Woot taga-Cagayan ka pala :D

Nakakaaliw na magkasama kayo ni Ivan sa pag-akyat sa Mt. Banoi. Hindi talaga ako hiker, pero keri na rin hehe. Buti na lang may mga nadaanan kayong waterfalls sa inyong trek at least pwedeng huminto at magpahinga't maghilamos muna hehe

Manong Unyol said...

opo sobrang ganda ang falls try nyu din po umakyat kahit yung mga madali lang para maransan nyu rin:)

razzy said...

ganda ng falls.. :)

Manong Unyol said...

sobrang ganda talga po jan ma'am :)

Camel said...

Kasama dapat ako dito. hahaha
Sayang!!!

Ganda ng Romelo ngayon ah.
Ang gaganda ng kuha.

Manong Unyol said...

opo ma'am maganda nman para sa first timer yung trail lang medyo nakaka inis hehehe

Cris | Pinay Thrillseeker said...

Nakakamiss umakyat ng bundok. At ang ganda ng falls. :) Buti ka pa nakilala mo na si Ivan sa personal, hehe. :D

Manong Unyol said...

tara akayat tayo ma'am kahit sa malapit lang,,, tara lets :)

Hannah said...

EXXAG ang putik! Pero ang ganda ng falls :)

Manong Unyol said...

oo ma'am Hannah sobrang putik po jan :) buti hindi umulan.. Yah tama maganda talaga ang falls :)

Balut said...

grabeh ang adventure at speechless ako sa falls haaay!
wagas naman ang putik :( hindi pa umulan nun ha?
excited much sa next adventure mo!

Manong Unyol said...

thanks ma'am abangan nyu po susunod na adventure ko hahaha :)

Phioxee said...

hay! ayoko ayoko sa ganung klaseng clime. hahaha nakakaawa nung sapatos mo. gusto ko yung climb na walang putik.diba pwede namang ganun? i love the falls. hey bakit dika nagpilit pumunta don sa isang falls, nandyun ka nanaman eh, 20mins lang. maglife jacket ka next time ha, para no worry na kung di ka marunong lumangoy.

just me,
www.phioxee.com

Manong Unyol said...

climb na walang putik doon sa mt.. samat sementado po dun pwede po yun, oo sobrang kakaawa sapatos dahil sa putik.. sunod bili na ako vest

gelaikuting said...

ASTIG! di ko pa tapos iblog yong sa Mt. Romelo adventure ko! kainggit nman..sama ako next time, gusto ko makasama sa climb ibang bloggers :) Hope to join the next climb... lalo ko namiss ang Mt. Romelo!

Manong Unyol said...

sayang nauna ka na kc nag romelo e minsan sama kita may nagyaya na sa akin e hehehe

Pinay Travel Junkie said...

Kayo pala magkakasama dito. Kakamiss na umakyat!

Manong Unyol said...

Hi ma'am sana maka akyat ka na ulit ma'am :)

Tin said...

Salamat sa pag-imbita sir. Pasensiya na at medyo napadami kami. Hehe. Maraming salamat din at naisama ang aking blog sa kuwento mo. Di ko lang alam kung may sense ang mga sagot ko sa survey mo. :P

Manong Unyol said...

walang ano man ma'am mas madami mas masaya hahaha :) salamat sa pagpunta din :)

Rubhie - said...

wala na daw po bang balita ng hold-up dyan like before ???? congrats for succesfull climb..keep it up !!!

Manong Unyol said...

nakawan ang madalas na issue ma'am buti nalang d nmin na experience...

Paula O said...

Ang ganda ng falls Manong Unoyl...magkasama pala kayo ni Ivan...:-)

Manong Unyol said...

yap nag si sir ivan organize ng climb :)...

Sonyboy Fugaban said...

I envy you for one thing: ang dami mo ng na-meet na travel bloggers. So far, sina Gideon Lasco (pinoymountaineer.com), Katie Buenaobra (iwanderiwonder.com) and Ivan Cultura (Batang Lakwatsero) palang ang mga "naka-jamming" ko na sa climb. It's comforting to meet people who share the same thoughts about traveling. You know...the learning and discoveries...and stuff.

Great shots pala lalo na yung sa falls. I will put this mountain sa listahan ko ng aakyatin na bundok pag nagbakasyon ako next year.

Manong Unyol said...

sana maka uwi ka na sir at sama ako sa adventures nyo...yes sir maganda maraming falls dun na magkakatabi dapat mo xang puntahan sir:)...

yccos said...

whoa.. Sama naman ako sa next climbs.....puuhhhllleeaseee... antagal ko nang walang layas.. nagkakasakit na ko! thanks in advance..hehe