Lansangan
Renante MinaFriday, February 8, 2013 14 comments




Isa lang itong halimbawa buhay sa lansangan

     Ako’y biglang napasulat habang nakikinig ng musika na tungkol sa mga totoong buhay, parang ang utak at kamay ko tila ba nag usap upang isulat at ikuwento ang totoong buhay ng mga tao sa lansangan sa araw-araw na aking nakikita pagpasok sa opisina okaya’y pamamasyal. Alam natin ang kapag nasambit na lansangan unang pumapsok sa ating isipan ay madumi, delikado okaya’y naman napaka-ingay, pero ang katotohanan ganun talaga. Makikita mo dito yung mga basura na nagkalat akala mo ay naging dumpsite na at mag aantay nalang maghahakot ng basura, minsan naman may nakalagay na ngang “bawal umuhi dito” pero sobrang panghi  halos ang amoy ay mapunta na sa iyong damit at halos hindi ka na makahinga.

     Nagkalat ang mga pulubing bata sa lansangan animoy ginawang playground upang makahingi lamang ng kunting barya sa mga motorista at wala silang pag aalinlangan kung anong puwedeng mangyari sakanila, may kanya kanyang din silang diskarte kung paano kumita iba kumakanta, nagbibigay ng sulat at iba naman halos buto’t balat na ang itsura na talagang maaawa ka. Kung tatanunngin mo naman asan ang kanilang magulang ay halos iisa ang kanilang tono ng kanilang salita at halos pare-parehas ang sasambitin “nag aalaga sa bunsong kapatid at minsa’y ulila na silang lubos”. Nakakaawang sitwasyon kahit gusto mong magalit pero mapapa-isip ka na lamang maswerte ka nasubukan mong maglaro na walang inaalala at may pagkain ng nakahain pag-uwi mo ng bahay, pero sakanilang kamusmusan tila bawat oras mahalaga upang kumayod at may ikakarga sa kumakalam nilang sikmura.

     Sa lansangan dito mo makikita ang realidad ng buhay, sari-saring kuwento at sari-saring mukha, mukha ng mga taong may ibat-ibang kanya kanyang maskara. Mga naglipanang msasamang loob tulad ng holdaper, snatcher, nangingikil at mga iba naman manggagantso naka suot ng napaka linis at iba pa nga naka kurbata di mo iisipin na may masamang balak, nagkukubli sa napakagarang kasuotan, ang iba nga naka uniporme pa na di na nila ginalang ang kanilang suot at may naka-ukit pa.

     Madaling araw habang pauwi galing sa isang kasiyahan habang naglalakad na may pangamba at laging alerto baka may masamang loob na nagmamasid, Pero nakakalungkot din pagmasdan ang isang pamilya na natutulog sa tabi ng lansangan parang gamu-gamo na nagkukumpulan sa may nasisinagan ng ilaw sa may bakanteng establisyemento, napaka-sakit isipin yung iba naka yukot lang habang giniginaw at iba naman karton lang kanilang papag, kanya kanyang diskarte iba naman nasa tahanang de gulong tinatawag na kariton. Ako’y nagulat nang may biglang bumulaga sa aking harapan isang ina na kalong kalong niya ang kanyang anak, nagmamakaawa at sila daw ay gutom na gutom di pa kumakain, buti na lamang meron pa akong sandwich na kakainin ko sana dahil wala naman ako pera maibigay sinakripisyo ko nalang at nakakaawa naman kahit papaano na-ibsan ang kanilang gutom yung araw na iyon, pero paano sa susunod, ganun ba ulit makikipag sapalaran ulit sila san makakakuha ng makakain nakakaawang kalagayan.

     Malapit na eleksyon nagkalat na ang mga epal na mukha akala mo mga artista na nag eendorso na nakapaskil sa mga pader at ipinagmamalaki ang kanilang mga proyekto nilang nagawa upang ipalandakan nila sa publiko, sa totoo lang di naman nakakatulong yan pang padumi lang din sa lansangan. Kung ang ginastos nila diyan inukol nalang sa iba para makatulong siguro nagkaroon pa ng saysay at doon nila ipagmalaki ang mga kabutihang kanilang nagawa.

     Mabuti pa ang mga grupong nagmimisyon dugo’t pawis ang kanilang sakripisyo na handang tumulong na walang hinihinging kapalit kundi ang ngiti at pasasalamat lamang okey na sa mga taong kanilang tinutulungan.

Nasulat ko lang naman ito dahil ito ang araw-araw nakikita ko. Ito ay totoong buhay na hindi natin puwedeng itanggi.

14 comments:

Rix said...

May punto ka ginoo, totoo naman na nagsisimula ng maging aktibo ang mga gusto magkaroon ng pwesto na alam natin na iilan lang naman sa kanila ang talagang may layunin na tumulong sa kapwa. Palagay ko nga (sa akin lang naman) eh mukang nilamon na sila ng sistema na ang posisyon ay para sa kanila at di para sa nasasakupan nila. Madami silang proyekto na gustong gawin pero iilan lamang dito ang para sa mga taong namulat at nabuhay na lang sa kalye.

Byaheng Jologs said...

Ang ganda naman ng ipinakita mo sa pahinang ito...
Para sa akin...isa itong kaisipan ng isang ordinaryong tao na may ordinaryong pakialam sa lipunan...
Ordinaryong mag-isip na sa ordinaryong pamamaraan at pagpapahayag ay makikita ang isang ordinaryong PILIPINO na may isang ordinaryong pangarap para sa mga ORDINARYONG tao...
Mabuhay ka Manong Unyol...ipinakita mo dito kung ano ang isang TUNAY na PILIPINO....
....may pakialam sa BAYAN at sa kapwa PILIPINO....kahit ikaw ay isa lamang ORDINARYONG tao....
Saludo ako syo kapatid....

joy said...

Nakakaawa talaga ang mga nakatira sa lansangan. That is why we should help in every
way we can to the needy. That is PBO's goal I believe and the people behind it.
Mabuti nag post ka ng ganito. It is a good reminder for all of us. Thanks

Anonymous said...

Maayos naman ang pagsulat mo sa Filipino,why dont you use it as the language medium of your blog ? This one's deeper and a little clearer. Yung mga ibang nabasa ko na sulat mo lalo na yung tungkol sa pag akyat, napakadaming mali sa konstruksyon at grammar at madalas napakahirap basahin at intindihin.

Manong Unyol said...

nilamon na sila at goal lang naman nila kaya pumasok sila sa politika ay para maging ma impluwenxa at ginagawa narin nilang business..

Manong Unyol said...

salamat po :) kaya gumagamit ko lang nman yung english upang kahit papaano masabi ko rin sa labas ng bansa kung may intetesado saka personal blog po to kahit mali mali spelling or anything kahit sobrang barok na ang english ok lang po.. sana maintindihan mo punto ko d po ako grammarian or technical writer sana po nabisita mo yung about page ko:)

eto po link

http://manongunyol.blogspot.com/p/about.html

Manong Unyol said...

oo ma'am nakaka awa talaga.. sobrang palad natin kahit papaano nakakain tau ng 3 beses isang araw

Manong Unyol said...

yan talga ang tunay na buhay ng filipino :)

Genskie said...

natumbok mo... maganda ang iyong ipinupunto...
kahit ako nalulungkot din ako...pero naisip ko kung ayaw nilang maging mahirap kailangan din silang magsumikap... may ilan naman na pwedeng mag trabaho pero pinipili angmamalimos... yung iba ginagamit pa ang mga anak ... naaawa ako sa mga talagang nakakaawa...pero naiinis ako sa mga nanamantala kasi tamad...
sana naiintindihan mo ang aking pinupunto... nararamdaman mo naman ang totoong nakkaawa sa hindi diba

Manong Unyol said...

tama ma'am lalo na yung mga pulis na maangas lalo na sa kalsada.. pati rin sa mga politiko akala mo hari sa kalsada..

Pink Line said...

maayos at malaman ang pagkakasulat nito.. ramdam ko ang realidad ng buhay sa lansangan.. ito ang dahilan kung bakit dapat magpatuloy pa ang mission ng PBO..

Manong Unyol said...

TAMA sked nyu nman ng weekend please at makasama kami ng mga may pasok ng week days... please please...

Heinz Lopez Alvarez, Jr. said...

Napapanahon ang paksa sa sulating ito, kaibigan. Nakuha ko ang nais mong iparating at sana'y marami pa ang makabasa ng isinulat mong ito dahil tumpak na tumpak ang mga punto mu.

Personally, I am proud of what you have accomplished as a mountaineer-traveler-blogger. Please continue sharing your adventures and your thoughts over things through your write-ups, then post them here. Not every one will like what we have published. That's fine. We write to express and not to impress. Keep on writing because if you do, you can only get better and better and better as a writer (in whichever medium you prefer). Feel free to write as a blogger!

Manong Unyol said...

salamat sir heinz, tama lahat ang sinabi mo, ngayon naiintindihan ko na you can't please everyone bahala sila basahin kung hindi.. constructive cristicism halat naman wala naman perfect saka basta ang importante naipapamahi natin ang mga karanasan natin sa paglalakbay...