Isang taon na ang blog ni Manong Unyol
Renante MinaFriday, June 14, 2013 20 comments






     Halos muntik ko ng makalimutan na isang taon na pala ako sa pagbloblog di ko man lang namalayan, ang bilis ng panahon talaga. Haist isang taon na pala ang pinaka mamahal kung walang kwentang blog wala parin pinagbago mabagal ang improvement parang nahihiya nga ako sa mga napapadaan sa aking blog, nag lalaro sa aking isip nag eenjoy kaya sila habang binabasa ang mga kuwento ko at iintindihan kaya nila ang mga pinagsusulat ko? hahaha pero sige lang kapalan nalang ng mukha bahala na sila magbasa at intindihan ang gusto kung iparating. Naalala ko pa isang atikulo ko ko sa blog na nilagay ko lahat mga gusto kung makasama na mga idolo ko, sa totoo lang natutuwa na nahihiya ako kasi ang dami nilang komento ito ang pamagat: ISA AKONG TAGA HANGA yan ginawa ko ng ilang minuto dahil sa sobrang boring sa opisina, alam na petiks hahaha hindi ko naman akalain na mababasa nila.

     Sarap balik-balikan ang mga ala-ala hindi ko akalain sa pamamagitan ng blog at sa aking pag akyat sa bundok ang dami kung nakilala at naging kaibigan halos di na mabilang, nakakatuwa lang talaga isipin na hindi naman kami personal na magkakakilala kumbaga nagkasalubong lang sa daan at nagkabatian lang bawat isa ayon naging magkaibigan na nagkakayayaan na kung saan ang biyahe okaya’y akyat.


     Una kung nakilala na grupo na bloggers ay ang Backpackers na pinamumunuan ni sir Ivan isa ako sa mga guest nila lagi napapasama sa akyat nila sa bundok. Pangalawa na nakilala kung grupo ay ang mga PBOers ito ang mga grupo ng mga bloggers na gumagawa ng outreach program kalimitan ay mga bata at matanda ang kanilang tinutulungan, nakakahiya ni minsan hindi pa ako naka dalo ng outreach program nila sana sa susunod makasama na ako :)

     Isang karangalan na makasama ko si Ivan – Batang Lakwatsero sa mga akyat, isa din ako taga sugid na nagbabasa ng kanyang artikulo napaka simple pero maganda ang pagkaka-kuwento at gusto ko rin gayahin minsan ang kanyang ginagawa ang solo climb. Hindi ko rin akalain na maging malapit kung kaibigan sina ma’am Weng - Byaheng Jologs at sir Albert - Albert the Backpacker mga bloggers din ang sabi nga nila late bloomer sila sa larangan ng Pagbiyabiyahe at mapuntahan nila ang mga magagandang destinasyon sa Pilipinas.


     Buhay nga naman hindi ko akalain mapasama isang kilalang grupo na tinatawag nilang PTB – Pinoy Travel Bloggers, tama miyembro ako ng grupong ito noong February 2013 aksidente ang lahat na meet namin sila sa Pampangga at doon may meet-up pala ang mga PTB noon at nakita naming sila at nagpa picture kami hahaha at yun nahanap nila blog ko at nirekomenda ako ni sir Marky – Nomadic Experiences dahil sa kanya napasama ako sa grupo, isang karangalan na mapabilang sa grupong ito hindi ko akalain ang mga miyembro kasama pala dito ay mga kilala na sa larangan ng pagsusulat ng kanilang biyahe at mga iba ay nabigyan narin ng mga parangal at na interview narin sa mga radio at travel shows sa mga sikat na istasyon ng TV. Ilan sa mga miyembro ng PTB ay nakasama ko narin nakakatuwa lang isipin naikukwento nila ng personal ang kanilang mga adventures dati binabasa lang :) 

    Ngayong 2013 gusto ko makasama kung may pagkakataon unang una si Pinoymountaineer sa pag akyat ng bundok isa sa rason bakit nagustuhan ko ang pag akyat ng mga bundok at kung sa mga biyahe naman marami siyempre ang una sa listahan ko ay si Dong ho kaso mga international na ang mga lakad niya hindi ko pa ata kaya ng budget ko yun oo nga pala wala pa pala ako passport hahaha, kung sakaling magawi ako ng Mindanao gusto ko rin makasama si Love Mindanao gusto mapuntahan mga hindi pa masyado nagagalugad ng mga tourista, sa mga festivals naman hindi ko makakalimutan si Pinoy Adventurista sa wakas na tapos narin niya goal niya 80 provinces nakakainggit sana nakasama ako kahit isa man lang doon sana, kung sa beach una diyan ang isang public school teacher na si Blissfulguro kaso solo trip siya malamang Malabo hehehe trip ko binabasa mga kwento niya kahit may pagkamahaba pero hindi naman boring basahin, Kung photographer pinag uusapan siyempre gusto ko masaksihan kung paano kumuha ng mga pictures sina Ironwulf En route at Lagalog namamangha ako sa mga landscapes nila at muntik ko makalimutan ang crush ko na blogger na si Yellow Adventures ganda ng mga pictures na pinopost niya may kuwento sa bawat litrato.

     Sa sampung naka lista sa bucket list ko ito nagawa ko na “magkaroon ng sariling blog” at “magbiyahe sa mga magagandang destinasyon pinagmamalaki ng Pilipinas at umakyat ng bundok” may walo pa sana matapos ko lahat.


Maraming Salamat sana magtagal pa ang blog ni Manong Unyol at para madami pa ako maikukuwento sa mga adventures ko, salamat din sa mga nakasama ko sana marami pa tayong pagsasamahan


P.S sana mag dot.com na - www.manongunyol.com hahaha

20 comments:

Rix said...

happy blogsary po sa blog mo! ehehehe

blissfulguro said...

happy 1st year manong! at salamat naman sa suporta sa akin kahit mahaba ang mga posts ko. hehe

Ella Dorado said...

Naks. Happy blogsary Mina. =)
Ang galing mo po. Hahaha.
ako natatamad na mag-blog. :D

akosiplaysafe said...

Happy anniversary idol! I-dotcom na yan!!!

Joy said...

Happy first year anniversary:)

Lahing Kayumanggi said...

happy blogsary bro

albert thebackpacker said...

Sa luob ng isang taon, napakadami naakyat at naisulat, paano kaya i imagine 3 to 5 years from now...newey, Happy anniversary....

Phioxee said...

more years in blogging pa. at sana matupad na yung .com

naks said...

happy anniversary kap(atid)...
more power and God bless sa mga lakad/takbo/akyat

Manong Unyol said...

maraming salamt :)

Manong Unyol said...

walang ano man ma'am Carla hahaha saya nga eh mga adventures mo...

Manong Unyol said...

hahaha yun lang sulat sulat din pag may time :)

Manong Unyol said...

hahaha sana nga dot.com na kailan kaya :)

Manong Unyol said...

maraming salamt ma'am joy:)

Manong Unyol said...

salamat sir sana magkita ulit tau sa akyat sayang di tau nagkita noong naka raan hehehe :)

Manong Unyol said...

sana nga umabot ng 5 years hehehe pero kakayanin yan...

Manong Unyol said...

oo sana nga planning na hehehe luwas ka na gala tau dito hahaha

Manong Unyol said...

maraming salamat sir :) sana laging safe sa mga adventures na darating pa :) kaw din ingat din lage sir

KULAPITOT said...

Hey parekoy sori latecsi Kulapitot, pasensyahan na medyo naligaw lang at nahuli ng dating at pagbati, way to go parekoy!

Manong Unyol said...

maraming salamt IDOL pa cheese burger ka naman sikat ka na na iinvite ka na mga media para ma interview hehehe :)