Sa aking paglalakbay
Renante MinaThursday, June 27, 2013 20 comments


     Sa bawat aking paglalakbay parang hinanap ng aking puso at damdamin ang bundok, karagatan at talon. Hindi ko lubos maisip na naging parte ako at napapamahal na ako sa kalikasan, upang masaksihan ang mga mgagandang nilikha ng ating Panginoon. Ang sarap balik balikan para bang gumagaan ang pakiramdam tila ba walang problema dumarating sa ating buhay kapag nakatanaw ka na sa malayo dinarama ang malamig simoy ng hangin, pinapakinggan ang huni ng mga ibon na tila ba kinakantahan ka, umaaligid ang mga makukulay na paru-paro na nakakapag bigay sigla. Maswerte ako nagkaroon ako ng dalawang paa upang marating ang mga tagong yaman na hindi puwedeng daanan ng mga sasakyan, may mga mata upang makita ang magagandang tanawin at makatuklas ng iba na hindi karaniwang nakikita at may kamay ako upang pindutin ang camera upang makunan ng litrato at maipakita sa iba upang mang engganyo na nagpapatunay na may mas higit na puwedeng puntahan kaysa sa mga artipisyal na gawa ng mga tao.

     May mga taong lubos hindi ka maintindihan kung bakit mo pa daw umakyat ng bundok na napaka delikado kung tanawin lang naman hinahanap mo, bakit mo pa daw maglakad napaka layo upang mapuntahan ang tagong talon, bakit ka pa tatawid ng maalong dagat upang makita lamang ang malinaw na tubig ng dagat, dahil meron naman daw mga naglalakihang establisyamento at resort na mas higit pa sa mga kailangan mong makita.

    Hindi kailangan maging mayaman upang masilayan ang mga ganitong mga magagandang destinayon, ang importante nasa puso at may tiwala ka sa iyong sarili.

Buruwisan Falls

Balagbag Falls

Manggahan Falls

SLLAJ Falls

SCAJ Falls

Bunga Falls

Pasukulan Falls

Matabungka Falls

 Mt. Tagapo

Mt. Talamitam

Mt. Maculot

Mt. Banoi

Mt. Pulag

 Mt. Tarak

Mt. Gulogod Baboy

Mt. Manalmon

Mt. Batulao

Mt. Arayat

Mt. Kibungan

Zambales

Zambales

Batangas

Pangasinan

Cagayan

Ilocos Norte

 Ilocos Sur

Palawan

Batangas

20 comments:

Pao Kun said...

Dami mo nang napuntahan! Napakagala mo. haha. Ingat! Blessing na makarating sa iba't ibang obra ni God. :)

Mar Unplog said...

Ang ganda ng mga lugar na iyong napuntahan... Kainggit!

nuts said...

pambihirang ganda ng kalikasan!

Tal | TPW said...

ang gaganda ng mga falls pero siempre mas maganda ang sunset sa mt. gulugod baboy! hehe...bias lang, batangueƱa eh. ;)

jloartworks said...

grabe! gandang adventures, inggit much :( hehhe

Phioxee said...

Nang-iinggit ka nanaman eh :-( ang daming waterfalls. Alam mo ano weakness ko. Dagat at falls. Ayoko ng bukid. Ang mahal ng gamit pang akyat. Hehehe

Manong Unyol said...

salamat sir, masaya kc gumala lalo na kung magagandang tanawin ang nakikita :)

Manong Unyol said...

wag ka mainggit sir mapupuntahan mo din yan :)

Manong Unyol said...

tama ma'am ganda ng Pinas

Manong Unyol said...

oo lahat naman maganda hehehe kung kalikasan pinag uusapan :)

Manong Unyol said...

hahaha subukan mo din minsan :)

Manong Unyol said...

hindi naman mas madami ka nga pinag gagalaan jan eh, dagat at falls lang talga gusto mo para makapag suot ka ng swimwear hahaha

ForeverMemories said...
This comment has been removed by the author.
ForeverMemories said...

nice sir mina sana mapuntahan ko din lahat yan:)))
kaylan at san ang next adventure?

Manong Unyol said...

hello Isabel nabasa ko yung write up mo bakit di mo simulan at may memories ka naman na balikbalikan sa mga adventures mo :)

ForeverMemories said...

walang time sir eh....limited pero matutuloy din yan soon naka stored nman kaya madaling balikan hehehe.....

Earl (Suroy Pilipinas) said...

Saan po ba ang Buruwisan Falls? AngGanda! Sana mapuntahan ko din yan.

Manong Unyol said...

sa Famy Laguna sir madaming falls po jan magkakatabi lang siya kailangan mo pang mag hike ng ilang oras sa maputik na trail.. pero sulit po mapuntahan yan

Riz said...

wow ang ganda naman ng Buruwisan Falls. wow andaming akyat!! ganda ng mga shots! :)

Manong Unyol said...

salamat ma'am mas naiingit nga ako sa travels mo ang gaganda rin pinupuntahan mo...