Darating ba ang panahon na pagsisihan ko
Renante MinaThursday, January 30, 2014 10 comments



     Darating kaya sa panahon na ang aking pagiging LAGALAG ay aking pagsisihan dahil sa marami akong na aksaya na oras imbes na nagpapakadalubhasa sa propesyon na aking tinapos, mas ginugugol ko ang aking oras sa halos linggo linggo nasa biyahe at hindi alam kung saan lugar patungo, pagsisihan ko din ba ang mga pera na aking winawaldas na dapat inipon at pinang bili nalang sana sa mas importanteng bagay, pagsisihan ko din ba na bigla nalang humina ang aking katawan dahil sa parang waterproof at shockproof dahil sa mga pabago bagong klima habang naglalakbay sa kabundukan at sa hindi inaasahan nadudulas at napipilayan, pagisisihan ko din ba na magkakaroon ako ng sakit sa atay dahil sa pagiging manginginom habang nakikipag tawanan at nakipag asaran sa harap ng mesa na may tinutunggang alak sa mga bagong kaibigan na nakikilala. Marahil siguro may pagkakataon na sasabihin ko ito sa aking sarili na sana pinakinggan ko nalang sila at baka maging mas maginhawa ang aking buhay may magagarang kasuotan, maraming pera, may maipagmamalaking bansag na naka kabit sa pangalan marahil nga mangyayari ito kapag susundin ko lahat magagandang payo nila. Pero sa aking puso at isipan kontento na ako sa normal na buhay makakain, may kunting pangtustos sa araw araw at makapag lakbay sa magagandang natural destinasyon na likha ng Diyos upang ibahagi din sa iba ang bawat kwento ko, Dinadarasal ko sana mapangalagaan baka paglipas ng araw ang mga ganitong kaganda bigla nalang masira at mawala at magiging bahagi na lamang isang magandang kwento. Salamat sa mga manunulat na manlalakbay sila rin naging inspirasyon ko upang subukan din at ikwento ang mga bawat destinasyon na aking napupuntahan hindi man kasing ganda at kasing kulay ng mga ginagamit kung kataga pero pilit ko parin iparating sa aking mga mambabasa ang aking naramdaman at aking nakita sa mga bawat magagandang destinasyon sa bansa. Marahil isa lamang itong pansamantala okaya’y isa na itong pang habang buhay.  Ano man ang aking maging tadhana lubos ko itong tatanggapin na may ngiti at walang pag-aalinlangan.

     Kung papalarin tumagal aking buhay ang sarap siguro magkwento habang nasa isang upuan okaya’y nasa duyan habang namamahinga dinadama ang simoy ng hangin at pinagmamasdan ang magagandang tanawin habang kinukwento mo sa iyong mga Apo at Anak ang magagandang karanasan na naging makulay ang aking buhay at nagkaroon ng saysay at saksi ang bawat litratong kupas.

10 comments:

Francis Balgos said...

Quarter life crisis ba to?
hahhaha! mas pagsisisihan mo siguro kung hindi mo gagawin ang mga bagay na to nung kaya mo pa. ok lang yan!

Marco said...

Hinding hindi mo siguro iyan pagsisihan, sa halip ipagmamalaki mo pa yong mga lugar na napuntahan mo. :)

San Josenyong Gala said...

Nararanasan talaga natin minsan yang bigla nating natatanong ang sarili natin kung may katuturan ba ang ginagawa nating paglalakbay. Ang sagot na nahanap ko, "balance"....

Balanse sa hobby na paglalakbay, trabaho, pag-aaral, pamilya at iba pa. Hindi pala pwedeng puro travel, mabe-burn out ka. Travel pero maintain yung iba pa para pag na-burn out, me babalikan para ma-refresh at makagala ulit... :)

Ian | Going Places said...

Hmm... Just think of this travel quote I stumbled upon last year and ako ay tunay naniniwala dito - "Take vacations, go as many places as you can. You can always make money but you can't always make memories" And my personal motto - "Travel is an experience of a lifetime." Pag-isipan mo ang mga linyang yan at isipin mo kung dapat kang magsisi. =)

Elal Lasola said...

Feeling ko ang mga adventures mo will make your life more meaningful. Kaya we need to learn the balance between work and travel. I am in the process too. Goodluck Sir!

Renante Mina said...

medyo ramdam na ang crisis hahaha

Renante Mina said...

tama... kaya yung mga litrato ko pinag priprint ko na din hehehe para may ebidensiya pag tanda

Renante Mina said...

salamat sir tama advice mo dapat balance din :)

Renante Mina said...

salamat sa advice sir :) I love the qoute :)

Renante Mina said...

salamat ma'am yap gusto ko lang din maka inspire ng iba ano nga meron sa pagtratravel bakit natin ginagawa ang mga ganitong bagay kahit na medyo magastos at delikado.. life is too short ika nga we need to gain experiences