Mt. Batulao traverse - Nasugbu Batangas
Renante MinaTuesday, February 11, 2014 4 comments



Hi I'm Reyn and this is my story


     Madami ang naglalaro sa isip ko kung paano ba ito sisimulan. Unang una sa lahat, hindi ko kayang maipadama sa mga salitang ito ang aking tunay na naramdaman. Hindi mo maramdaman yung init, yung pagod, sabik, pasma, takot, panglulula at tagumpay. Hindi mo maamoy ang ihip ng hangin sa tuktok ng bundok. Hindi mo rin makikita ang dumi na nakuha mo sa alikabok sa daan. Hindi mo rin mahihipo ang mga damo na nagsisilbing lubid mo pag ikaw ay nawawalan na ng balanse sa katawan. At higit sa lahat mahirap ang makahanap ng mga bagong kaibigan na tutulungan ka, wag ka lang matuluyan sa bangin. Epik ang pinasukan kong adventure. Siguro nagsawa na ako sa amoy nang nakakabagot kong kwarto. Nakakayamot na rin ang kakapindot ng “newsfeed” sa facebook dahil ito lang ang karamay ko lalo na kapag mag isa ako. Hindi ako nagdalawang isip para kulitin ang kilala kong si Manong Unyol. Taglay ko na siguro tong ramdam na pagkainggit dahil sa mga nakikita kong litrato na kanyang pinapamahagi sa facebook. Ngayon naman, ako rin ang dapat makaranas nang pakiramdam na nasa tuktok ng bundok. No buts but yes to adventure. Pagkatapos ng maraming dasal para lang mapayagan ako, tinapos ko na agad ang pag eempake.

     Dala-dala ko ang kagalakan at takot noong kami na ay bumibyahe. Madami ring tanong ang hindi natapos sa isip ko. Paano kapag nahulog ako?Kapag nawala kami?Kapag mahirap?Madali?Nakakakatakot?walang kwenta? Paano kapag sa huli hindi pala ako masaya sa pinasukan ko? Sasabihin ko bang “Sana nasa condo na lang ako at nag-click na lang ng like buttons sa mga photos ni Manong Unyol.”

     Lumipas na ang tatlong oras na pagbyabyahe sa bus. Nataranta na ako sa kaloob-looban ko na nandito na pala kami sa Batangas, ilang minuto na lang aakyat na kami. 8:45. Pebrero 09. Linggo. Gising ang aking dugo, ang paa ko hindi na makahintay sa paglakad. Sa loob nang pauntog-untog na tricycle dulot ng bako-bakong daanan, napasisip na naman ako… Grabe Reyn, ano ba tong pinasukan mo. Nangingibabaw na ang aking takot dahil habang pumapasok kami sa bundok nagiging komplikado na ang daan. Wala ng makakatigil sa aming paglalakbay. Weather Mood: Check. Katawan: Check-Malakas. Emosyonal: Check. Kunting takot pero galak nang mag umpisa.


     Sa simula ng landas, mapapansin mo pa na maluwang ang daanan kumbaga dinadaanan pa ito ng mga kotse. Huh?Eto pala ang hiking ah. Ilang minutong paglalakad pa lamang ay pumapasok na kami sa makipot na daanan pataas.


     Wow eto ang hiking. 30 minutos ang nakalipas, nakakaya pa.wala pang kirot na naramdaman parang naglalakad pa lamang sa hagdanan pataas pababa…paulit-ulit. Pataas…at kunting pababa.Nakasakto kami ng magagandang lugar para kuhanan ang tanawin ng bundok.


     Ilang ulit akong nagtanong kung yung bundok na iyon (Mount Batulao) ay ang tatahakin namin. Imposible..di ako naniniwala..yan ang sagot ko sa loob ko dahil mataas, malayo at madaming umbok ang makikita. Umurong ang sikmura ko. Nabawasan ang confidence power ko. Pero masasabi ko pa bang adventure kung patag lahat ang gagawin? Nag-adventure pa ako. Nakakatuwa at madami palang stations o kaya tindahan ang nakaabang sayo. Nagsisilbi itong pahingaan ng mga mountaineers. Hindi rin nagpahuli ang Mountain Dew para pawiin ang uhaw at Malamig pa. Pahirapaan din ang pag-akyat nito sa bundok. Lahat mano-mano pati halo-halong tinda ni Neneng. Ang dala kong malamig na tubig ang naging kaagapay ko sa pagod. Swak pang-tanggal ng pagod. At doon ko lang napagtanto na ang sarap pala ng tubig.


     Umakyat kami ulit. Hindi pwedeng ang oras ilaan lahat sa pag-pipicture at pagpapahinga. Katotohanan: ang mahaba-haba mong pagpapahinga ay mapapalitan ng agarang pagod. Masakit sa paa ang pag-akyat lalo na kapag walang halatang markahan. Ilang ulit din akong nadulas (damn sneakers) yung ilang pulgada na lang bangin na ang sasalo sayo. Pero alalay lang.


     Papalapit na kami sa destinasyon. Nangangalahati na ang aking tubig. Matinding pahinga ang kinailangan namin. Nakapag merienda ng kalahating oras, urong na naman sa tuktok. Huminto ulit bago tahakin ang matirik na lugar, papahirap.


     Lumalakas na ang pag hingal ko at sinabayan pa ng takot ko dahil nasa mataas na kaming lugar. At hanggang sa ngayon tuwing nadadapo sa isipan ko ang taas na napuntahan namin, nagpapasma ang ang aking kamay. Unang sabak ko lamang ito kaya ganun na lamang ang takot na kumakain sa akin. Hinihintay ang mga ibang hiker para makababa gamit ang lubid.Isahan ang pag-baba dahil ito ay makitid at matirik.


     After absorbing so much heat at an open area, it was our turn to climb the steepest part of the mountain. I have lots of hesitations in climbing the peak. But Kuya ArJay was true, “Ano mas gusto mo? Babalik ka doon mag-isa? O sasama ka sa amin.” Obviously I have no choice but to step in. I prayed a lot while gripping the rock that can hold my weight. One wrong move then I’ll roll down the gorge. Reyn, kaya mo ito…Reyn kaya mo to. Lord, help me. Yan lamang ang bukang-bibig ko. Kapit sa bato, lubid at ibalanse ang paa sa bato. Buhatin ang sarili.Kung tama?Ulitin ulit. One step..hanggang last step. Nang matapos ko na ang pinakadelikadong daanan, napapangiti ako..hanggat lumalaki ang ngiti ko. Tinuloy tuloy ko na ang pag-akyat dahil hindi na ganun kadelikado kapag ilang metro na lang ang aabutin para matawag mo ng tagumpay sa taluktok ng bundok.


     Lagpas 800 meters above sea level: Check. Happiness cannot contain. Napasigaw ako sa taas dahil maiisip mo talaga yung parang nasa pelikula lang na may katagang “I conquer the world”.ganoon pala ang pakiramdam kapag nasa rurok ka na. Ilang metro na lang pwede ko nang bisitahin ang langit. Mahangin, Masaya, Pagod. Sobrang init.Uhaw. Buko juice ang sarap! Hindi makakaligtaan ang pagkuha ng photos.Para maging ebidensya mo ito ng medalya ng bragging rights.Wala sila nito. Ako nakaya ko. Basta ang saya ko na parang rurok din, nasa kasukdulan. Pero syempre oras na naman ng paghihirap. Hindi naman pwedeng maglatag na ng anahaw at doon na matulog. 


     Simula na ng pagbaba. Inakala ko ang pagod ko ay mababawasan na dahil parang sasakyan lang yan, pag ang sasakyan umaakyat umuugong na nahihirapan pero kapag bumaba, tahimik at walang masyadong lakas ang kinakailangan. Pero nagkamali ako. Sa daang pauwi, naging kalaban namin ang alikabok at dulas. Ang hirap bumaba dahil walang markahan para sa paa. Kaya kami napapa-upo na para di tuloy-tuloy ang labas. Masakit sa hita, balakang, likod at kasu-kasuhan. Lalo na at pahirap yung sapatos kong pinapadulas pa ako lalo. Dahan-dahanlang ang sikreto sa pagbaba para hindi mapasubsob nang wala sa oras.


     Sa wakas, natapos rin namin yung maalikabok na parte saka kami kumain. Huminto kami sa isa sa mga sikat na tindahan doon. Doon masarap uminom ng Mountain Dew. Pati pa ang tubig na hugasan may bayad, di na ako tumanggi dahil pahirapan din ang pag-akyat sa supply. Hindi ako ganoong ginutom sa daan kaya unti rin ang nakain ko. Ang gusto ko lamang ay humiga pero pinagbawal nila. Kaya sumandal na lang ako sa kawayang upuan. Ang sarap nang pakiramdam kapag nakakahinga ka na ng maluwag. Past 2pm kailangan na naman naming ipagpatuloy ang pagbaba.

     Damo. Dito ako nagpapsalamat at may silbi pala ang  mga damo. Ito ang naging bida sa buhay ko kapag muntikan na ako nadudulas o tuluyang nadudulas. Hawak-kamay ang itsura namin. Walang bumitaw at wala ring tumusok sa akin. Sabik na rin akong makarating sa huling destinasyon dahil ang lakas ko nauubos na at ang sakit sa katawan ko umuugong na. di ko na kaya. Di ko na kayaaaa. Malapit na ba tayo? Ilangg hakbang na lang. ilang bundok na lang. Hanggang nasilayan na namin yung sunog na palatandaan ng bundok. Malapit na nga kami. Kaunting kembot na lamang pero di ka nakakakembot sa sakit ng balakang.  Hanggang sa... Nandito na kami! Sa wakas! Eto na talaga ang totoong tagumpay kasi buhay ako..wala akong galos at masaya ako. Worth the pain. No pain No gain. No guts No glory. At nariyan na lahat ang halo-halo kong emosyon.

     Pero wait, inalok kaming sumakay sa jeep palabas ng bundok. Sinong hi-hindi sa taong masakit na ang paa. Pero jusko, nakakatakot palang mag jeep dahil sa makitid,delikado at bako-bakong daanan. Lord, ayoko pa pong sumunod kay Tado. Buti na lang at si manong drayber ay eksperto sa daanan. Naiuwi naman niya kami ng buhay. At doon na nagtatapos ang aking takot at adventure sa bundok ng Batulao Batangas.

     Oras na para tanggalin ang maskarang alikabok sa mukha, kwentas sa leeg, gloves sa kamay at medyas sa paa. Oras na ng pagligo. Lahat binalot na sa alikabok pero ang alikabok na ito ang nagsilbing tagumpay na nakamit. And this is the best way to end my teenage year. The most extreme activity I did so far. 




~~End of the Story~~

4 comments:

naks said...

congratz on your first climb ma'am reyn...
kudos to you boss mina (guest post mode ata tayo ngayon?)
stay safe mga kapatid...

Marco said...

Nakakamiss ang Batulao.

Renante Mina said...

salamat sir... gusto ko lang ishare sa iba ang feeling ng mga bagong sabak sa kabundukan hehehe :) ganyn din kc ako noong first time hanggang ngayon na aamaze

Renante Mina said...

oo nga eh isa rin tong kaya binalikan ko to di parin ako binigo ng batulao hehehe